Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Masarap na kainang Pinoy sa Beijing

(GMT+08:00) 2013-06-20 17:49:01       CRI

Mga kaibigan, sa okasyon ng pagdiriwang ng Ika-115 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas, isang food festival na kinatatampukan ng ibat-ibang masasarap at tradisyonal na pagkaing Pilipino ang idinaos noong Lunes sa Jianmao Ballroom ng Westin Hotel sa Beijing.

Sa nasabing pestibal na pinangalanang "Flavors of the Philippines," dumalo ang mga dignitaryo mula sa ibat-ibang bansa at mga opisyal-Tsino, na gaya nina Liu Zhenmin, Deputy Minister ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina, Wu Jiong ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC), mga kinatawan ng ASEAN-China Center (ACC), at marami pang iba.

Nagtalumpati rin si Embahador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas at ipinaabot niya sa lahat ng Pinoy sa Tsina ang mensahe ni Pangulong Benigno Aquino III.

Aniya, sana ang pestibal na ito ay maging daan upang lalo pang maipakilala ang kulturang Pilipino tungo sa pagpapasulong ng pagkakaunawaan at paggagalangan ng mga mamamayan ng Tsina't Pilipinas.

Inanyayahan din niya ang lahat ng mga panauhin na tikman at pagdamutan ang mga pagkaing-handa.

Mga kaibigan, ngayong gabi tunghayan natin kung ano naman ang masasabi ng mga dumalo at ilang opisyal Tsino sa nasabing aktibidad.

 Si Ambassador Erlinda F. Basilio ng PIlipinas habang binibigkas ang talumpating pambungad sa "Falvors of the Philippines" food festival

Sina Ambassador Erlinda F. Basilio ng Pilipinas at Deputy Foreign Minister Liu Zhenmin ng Tsina habang binabati ang isat-isa

 Mga handang pagkain

Zi Nan, isa sa mga Tsinong dumalo

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>