Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bagong baril, ipinamahagi ni Pangulong Aquino sa pulisya

(GMT+08:00) 2013-07-02 18:23:01       CRI

Mga bagong baril, ipinamahagi ni Pangulong Aquino sa pulisya

MALAPIT nang magkatotoo ang target na isang baril sa bawat isang pulis sa kanyang pamamahagi ng 9 mm Glock 17 pistols sa mga kagawad ng Philippine National Police sa turn-over ceremonies na ginawa kanina sa Kampo Crame, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na hindi magtatagal ay matatapos ang pamamahagi ng may 74,879 na pistola sa mga pulis.

Gumastos ang pamahalaan ng P 1.198 bilyon at sa tamang proseso ng bidding, nakatipid pa ng higit sa P 200 milyon. Sa kanyang talumpati, nakabili sila ng 15,000 piraso ng mga 9mm pistols na pawang de kalidad at mas makakatipid sa pagbili ng piyesa.

Napababa na rin umano ng pamahalaan ang crime volume mula sa 319,441 noong 2010, umabot na ito sa 217,812 noong 2012. Bumaba na rin ang carnapping incidents ng may 40% samantalang bumaba na rin ang kidnap-for-ransom ng may 73%. Sinagupa na rin umano ng pulisya ang Private Armed Groups kaya't nabawasan ang kanilang mga illegal na gawain.

Tapos na rin ang panahon ng pang-aapi sa mga pulis sa iba't ibang larangan. Madarama na ng mga pulis ang pag-aaruga at pagmamahal ng sambayanan sa pamamagitan ng mga programang mag-aangat sa kanilang katayuan.


1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>