Misa para sa Oral Arguments isasagawa
NANAWAGAN si Antipolo Bishop Gabriel Reyes, chairman ng Episcopal Commission on Family and Life sa mga mamamayan na makiisa sa Misa sa unang araw ng Reproductive Health oral arguments sa Korte Suprema.
Napapanahon umanong ipagpatuloy ang pagtatanggol sa Mabuting Balita ng Buhay, inanyayahan niya ang kanyang mga kapwa obispo, mga pinuno ng family and life organizations at iba pa na magtungo sa Archdiocesan Shrine of Nuestra Senora de Guia sa M. H. Del Pilar St., Ermita, Manila para sa Misa sa ganap na ika-siyam ng umaga sa darating na Martes, ika-siyam ng Hulyo.
Nanawagan na rin si Fr. Melvin Castro sa mga mananampalataya na mag-nobena sa Mahal na Birhen patungkol sa darating na oral arguments sa Korte Suprema.
1 2 3