|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Disiplina ang kailangan upang paniwalaan ang pulisya

PULISYA: DISIPLINA ANG KAILANGAN. Nanawagan si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa mga pulis ng bansa na kilalanin ang kahulugan ng katagang disiplina. Kung makikita ng mga mamamayan ang disiplinadong pulisya, magiging madali ang pagpapatupad ng batas. (Contributed Photo)
SUSI sa kredibilidad ng pulisya ang disiplina. Ito ang paniniwala ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite kanina.
Binigyang-diin niya na isang mahalagang bagay sa pagbuhog ng mabuting kapulisan, ng mga tunay na alagad ng batas ang pagkakaroon ng disiplina. Ito ang gabay sa tamang pagkilos at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Kailangan umanong ikintal sa isipan ng lahat ng nagsisipag-aral sa Philippine National Police Academy ang kahalagahan ng disiplina at sa 140,000 kataong nararapat maging mabubuting halimbawa, sa pagsunod sa mga batas na kanilang ipinatutupad.
Nanawagan siyang ibalik ang kahalagahan ng disiplina sa buhay at ipakita sa madla ang tapat na paglilingkod.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |