|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Microfinance, malaki ang magagawa para sa bansa
SINABI ni Gobernador Amando Tetangco, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas na malaki ang nagagawa ng microentrepreneurship sa buhay ng mga mamamayan.
Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng 2013 Citi Micro-Entrepreneurship Awards, sinabi ni G. Tetangco na mas dumarami ang lumalahok sa patimpalak at lumalaki rin ang mga papremyo na hindi lamang salapi, kungdi insurance coverage, pagsasanay, at suporta para sa kanilang partnership networks.
Ang paglago ng microfinance industry sa Pilipinas ay kagulat-gulat sa pamamagitan ng mga non-government organizations, mga kooperatiba at mga malalaking bangko.
Noong Marso, mayroong 186 na bangko na mayroong microfinance operations na umaabot na sa higit sa isang milyong mga kliyente. Ang kanilang pinagsamang naipon ay umabot na sa P 8.2 bilyon, mas mataas kaysa P 8 bilyong kanilang hiniram.
Pinuri niya ang karanasan ni Floraiwin Cainglet, ang nagwagi noong nakalipas na taon. Si Flor at ang kanyang tao na si Rommel ay nagsimula sa pag-aalaga ng dalawang baboy. Ngayon, may kalakal na sila sa pag-aalaga ng baboy na nagkakahalaga ng P 2.5 milyon.
Magpapatuloy ang pagtulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga palatuntunang ganito, dagdag pa ni G. Tetangco.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |