Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maraming nananalangin upang magtagumpay ang peace talks

(GMT+08:00) 2013-07-09 18:27:40       CRI
Maraming nananalangin upang magtagumpay ang peace talks

SINABI ni Professor Miriam Coronel-Ferrer na maraming nagdarasal upang magtagumpay ang pag-uusap ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front na sinimulang muli kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Professor Ferrer, pinuno ng Government of the Philippines peace panel na maraming civil society organizations na nagparating ng kanilang mga pahayag ng pag-asang magkakaroon ng magandang wakas ang pag-uusap.

Niliwanag niyang hindi perpekto ang mga annex na nakalagay sa Bangsamoro Framework kaya't kailangang mag-usap. Ang Bangsamoro Framework ang siyang pagmumulan ng master plan.

Malaki umano ang inaasahan kaya't pati ang Third Party Monitoring Team na pinamumunuan ni Alistair McDonald na naglingkod sa Pilipinas mula noong 1990 hanggang 1995 at mula 2007 hanggang 2011 bilang pinuno ng European Union delegation sa Maynila.

Bagama't mahihirap na isyu ang kinahaharap ng magkabilang-panig, batid umano niya na nais ng lahat na magkaroon ng partnership sa pag-itan ng magkabilang panig sa layuning maghari ang kapayapaan at kaunlaran sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

1 2 3
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>