|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Barko ng Pilipinas, umalis na sa San Diego, California
PORMAL na inihatid ni Deputy Consul General Daniel Espiritu ang kabibiling Hamilton-class cutter ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Alcaraz (PF-16) sa ilalim ng pamumuno ni Capt. Ernesto O. Baldovino sa seremonyang idinayos sa 52nd US Naval Base noong Biyernes.
Dinaluhan ang seremonya nina Lt. Commander Thomas S. Price, Navy Programs Chief ng Joint US Military Assistance Group Philippines, mga piling Filipino-American US Navy officers, Consulate Information Officer Cesar Angeles at mga lider ng Filipino community.
Ang barko ay may 14 na opisyal at 74 na mga tauhan na magtutungo na sa Guam at inaasahang darating sa Pilipinas sa SAbado, ikatlo ng Agosto.
Ang barko ay binili sa ilalim ng Philippines-US Excess Defense Article and Military Assistance Program. Dumating ang barko sa San Diego noong ika-28 ng Hunyo matapos maglayag ng 2,000 nautical miles mula sa Charleston, South Carolina.
Ang barko ay kahalintulad ng BRP Gregorio del Pilar. Ipinangalan naman ang ikalawang bark okay Ramon Alcaraz, isang opisyal ng Hukbong Dagat na natanyag noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang pagbili ng Pilipinas sa barkong ito ay bahagi ng Military Modernization Program.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |