|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, magsasalita sa Ignatian Festival
MAGIGING panauhing tagapagsalita si Pangulong Aquino sa Ignatian Festival sa Ateneo de Manila University sa darating na Sabado, ika-20 ng Hulyo sa pagdiriwang ng ika-522 taong kapanganakan ni St. Ignatius of Loyola.
May temang "The Atenean in Nation Building," ang dalawang taong pagdiriwang ay katatampukan ng mga talumpati, workship, exhibits, campus tours, mga dula-dulaan, Misa at konsiyerto.
Pararangalan din ang mga nagtapos sa Ateneo na nasa Media, Musika, Sining at Kultura, paglilingkod-bayan at kalakal.
Kabilang sa mga magsasalita sa paksang Ateneans in Politics ay sina Senador Aquilino Pimentel III, Supreme Court Justices Arturo Brion at Robert Abad, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, MMDA Chairman Francis Tolentino, Albay Governor Jose Sarte Salceda, MWSS Administrator Gerry Esquivel at DepEd Undersecretary Rizalino Rivera.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |