|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Anti-Divorce bill, ipinagpasalamat
NAGPASALAMAT si Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Episcopal Commission on Family and Life kay Marikina Congressman Marcelino Teodoro sa pagsusulong ng anti-divorce bill upang maipagtanggol ang kasagraduhan ng kasal at ng pamilya na siyang sandigan ng bansa.
Sinabi ni Fr. Melvin Castro (may hawak ng mikropono), Executive Secretary ng Episcopal Commission on Family and Life na hindi kailanman nararapat mabuwag ang pamilya sa pamamagitan ng batas na pumapayag sa diborsyo. (File photo ni Roy Lagarde)
Ito ang magpapatibay sa Saligang Batas na nagsasabing hindi kailanman bubuwagin ang pamilya at maipagtatanggol pa ang kasal.
Ang House Bill 37 ay naglalayong tiyakin na hindi katanggap-tanggap ang absolute divorce sa legal system ng bansa at tanging ang legal separation lamang ang magagamit ng mag-asawang hindi na magkasundo.
Umaasa si Fr. Castro na susuprotahan ito ng karamihan ng mga mambabatas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |