Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan ng Pilipinas at MILF, nagkasundo sa Revenue Generation at Wealth Sharing

(GMT+08:00) 2013-07-15 17:18:02       CRI

Pamahalaan ng Pilipinas at MILF, nagkasundo sa Revenue Generation at Wealth Sharing

KONTROBERSYAL NA ANNEX NALAGDAAN NA.  Nagkasundo ang Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa Revenue Generation at Wealth Sharing noong Sabado ng gabi sa Kuala Lumpur, Malaysia.  Nasa larawan si Prof. Miriam Coronel-Ferrer ng GPH (kaliwa) at MILF chief negotiator Mohagher Iqbal (kanan).  Na sa gitna si Tengku Dato ab Ghafar Tnegku Mohamed, ang Malaysian Facilitator. (OPAPP Photo)

LUMAGDA ang Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa kontrobersyal na probisyon ng Bangsamoro Framework, ang Annex on Revenue Generation and Wealth Sharing matapos ang anim na araw ng pag-uusap.

Naganap ang paglagda bago mag-hatinggabi noong Sabado sa Kuala Lumpur. Natapos ang mga probisyon sa kasunduan mga ika-sampu at kalahati ng gabi noong Sabado.

Sinabi ni GPH peace panel chair Prof. Miriam Coronel-Ferrer na nahirapan umano ang magkabilang-panig subalit sa pagtitiyaga ng mga kinatawan ng pamahalaan at MILF ay nagbunga rin ng mabuti. Ito umano ang pinakamahirap na pag-uusap mula ng lumagda ang magkabilang panig sa Bangsamoro Framework noong ika-15 ng Oktubre 2012.

Isa ang Annex on Revenue Generation and Wealth Sharing sa apat na annexes at kasama ang Bangsamoro Framework na siyang bubuo ng comprehensive agreement. Ang iba pang annexes ay sa power-sharing at normalization na pinag-uusapan pa. Samantala ang Annex on Transitional Agreements and Modelaities ay nalagdaan na noong Pebrero.

Sa kasunduang ito, magkakaroon ng kahulugan at saysay ang autonomy sa Muslim Mindanao na nilalaman ng Saligang Batas, dagdag pa ni Prof. Ferrer. Maitutuwid ang mga pagkukulang sa ARMM. Ang orihinal na apat na araw na pag-uusap ay tumagal ng anim na araw.

Sa mga iniambag ng mga dalubhasa, mga kalihim ng pamahalaan at ilang mga mambabatas na kinunsulta ng mga kumatawan sa pamahalaan sa negosasyon ay sa mainitang talakayan at negosasyon, umaasa ang magkabilang panig na makatatayo at magtatagumpay ang nilalaman nito.

Naipakita na muli ng magkabilang-panig ang katapatang maghari ang kapayapaan at kaunlaran sa ARMM, dagdag pa ni Prof. Ferrer.

Sa pinag-isang pahayag, sinabi ng magkabilang-panig na ang Annex na nilagdaan ang magiging sandigan sa pagbuo ng Bangsamoro Basic Law hinggil sa wealth-sharing at revenue-generation na nilalaman ng Framework Agreement on the Bangsamoro.

Sa ilalim ng kasunduan, 25% ng Central Government taxes, fees and charges na makukulekta sa Bangsamoro, maliban sa taripa at customs duties, ang matutungo sa Central Government samantala ang 75% nito, kabilang na ang bahagi ng local government units ang matutungo sa Bangsamoro government.

Ang Bangsamoro ang magkakaroon ng autoridad at kontrol sa mga pag-aari ng pamahalaaan at kontroladong korporasyon, financial institutions, economic zones, and freeports at matutungo sa Bangsamoro government.

Sa fund transfers mula sa Central government, isang special development fund ang ilalaan ng pamahalaan sa nasasakupan ng mga Bangsamoro para sa rehabilitation at development purposes sa pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law.

Sa mga likas na yaman, 75% ng kita mula sa exploration, development at utilization ng metallic minerals sa rehiyon ang matutungo sa Bangsamoro Government. Sa non-metallic minerals tulad ng buhangin, graba at quarry, ang mga kita ay matutungo sa Bangsamoro government at sa local government units nito.

Sa kabilang dako, ang kitang mula sa fossil fuels tulad ng petrolyo, natural gas at uling at maging uranium ay paghahatian ng central at Bangsamoro government at ng local government units.

1 2 3 4 5
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>