|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kaligtasan ng mga kawal sa United Nations, tiniyak

KALIGTASAN NG MGA KAWAL SA UNITED NATIONS TINIYAK. Nag-usap sina Kalihim Albert F. Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at United Nations Undersecretary General for Peacekeeping Operations Herve Ladsous sa New York upang matiyak ang kaligtasan ng mga kawal na kasama ng peace-keeping forces sa Golan Heights. (DFA Photo)
PINAG-USAPAN nina Kalihim Albert F. del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at United Nations Undersecretary General for Peacekeeping Operations Herve Ladsous ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong kawal na kasama sa peacekeepers sa Golan Heights, Syria.
Naganap ang pag-uusap noong Huwebes sa United Nations Headquarters sa New York.
Niliwanag ni Kalihim del Rosario ang paninindigan ng Pilipinas at ang mga kondisyong hinihingi ng pamahalaan para sa pangmatagalang pananatili sa peacekeeping forces.
Sinabi rin ni G. del Rosario na mananatili ang mga kawal na Pinoy sa Golan Heights hanggang sa ika-11 ng Agosto.
Ang mga hiniling ni Kalihim del Rosario ay ang pagpapadala ng mga kawal na aabot sa 1,250 pagsapit ng Oktubre, 2013. Kailangan din ng mga sapat na kagamitan at sandata upang huwag namang madehado ang mga kawal ng Pilipino sa oras na papuputukan ng mga kalaban.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |