|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Martir na Pilipino, malapit ng maging santo
ISANG martir na Pilipino ang madali nang maging santo sa proklamasyon ng Vatican na siya'y isasailalim na sa beatification ngayong taon.
Malalapit na sa pagiging santo si Father Jose Maria de Manila (Eugenio Saz-Orosco), isang paring Capuchino.
Ang seremonya na pamumunuan ni Cardinal Angelo Amato, prefect of the Congregation for the Causes of the Saints, ay magaganap sa Tarragona, Spain sa ika-13 ng Oktubre.
Matapos ang beatification, makikilala na siya sa pangalang Blessed Jose Maria de Manila.
Isinilang siya sa Maynila mula sa mga magulang na Kastila noong ika-5 ng Setyembre, 1880. Anak siya ni Don Eugenio Saz-Orozco, ang huling Kastilang alkalde ng Maynila at Dona Feliza Mortera y Camacho. Ang birth certificate ni Padre Jose Maria de Manila ay hindi matagpuan sapagkat nasunog ang mga dokumento noong Liberation of Manila noong 1945,
Ayon kay Fr. Eugenio Lopez, provincial minister ng Capuchin Philippine Province, ang kanyang school records sa University of Santo Tomas ay nagpakitang siya an "natural de Manila" at lahat ng mga dokumento sa Espana ay nagpapakitang siya ay mula sa Maynila.
Si Padre Jose ay kabilang sa 500 mga martir ng Espana na namatay dahilan sa religious persecution noong 1930s na pawang naghihintay ng beatification. Kabilang sa grupo ang 32 Capuchins na may 20 mga pari at 12 lay religious brothers.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |