Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-Apat na State of the Nation Address, tumagal ng halos dalawang oras

(GMT+08:00) 2013-07-23 17:12:41       CRI


 

PINURI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang mga taos-pusong naglingkod sa pamahalaan samantalang kanyang pinuna ang ilang pinuno ng ahensya dahilan sa kakulangan ng magandang performance tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration at National Irrigation Administration.

Pinuri naman niya si Foreign Secretary Albert F. del Rosario na naglingkod sa mga Pilipinong napagitna sa kaguluhan sa Libya. Pinuri din niya si Kalihim Ramon Jimenez sa pagtatangkang madagdagan ang mga turistang darating sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Pangulong Aquino sa kanyang ika-apat na State of the Nation Addres na matatapos na rin ang kakulangan sa mga silid-aralan dahilan na rin sa magandang performance ni Kalihim Armin Luistro. Binanggit din niya ang pangangailangang matugunan ang mga problema tulad ng mga pagbaha sa Kamaynilaan at iba pang bahagi ng bansa.

Isusumite na niya bukas ang P 2.23 trilyong panukalang budget para sa taong 2014.

Sa kabilang dako, nagkagulo sa labas ng Batasang Pambansa ng magpumilit ang mga militanteng grupo na makapasok sa mga lansangang malapit sa Batasang Pambansa. Hindi nakalusot ang mga militante sa mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng pulisya. Sa inisyal na ulat, siyam katao ang nabalitang nasugatan sa sagupaan kaninang tanghali.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>