|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Prime Minister Abe ng Japan, dadalaw sa Pilipinas
DADALAW sa Pilipinas ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Biyernes, ika-26 ng Hulyo upang makausap si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnyanang Panglabas, pag-uusapan ng dalawa pinuno ng bansa ang pagtutulungan at mahahalagang isyu sa rehiyon. Isusulong din ang Strategic Partnership sa pag-itan ng Pilipinas at Japan.
Ang huling pagdalaw ng prime minister ng Japan ay noong Disyembre, 2006 ng dumalaw si Prime Minister Abe sa Maynila samantalang siya ang namumuno sa bansa.
Ang Japan ang isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas. Noong 2012 ang Japan ang nangungunang bansa kakalakal ng Pilipinas at nangungunang tagapagbigay ng official development assistance at ikalawang major source ng approved investments at ikatlong pinagmumulan ng mga turistang dumadalas ang pagdalaw sa bansa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |