Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Hamilton-class cutter, pinasinayaan

(GMT+08:00) 2013-08-06 18:06:02       CRI
PINANGUNAHAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang pagsalubong sa ikalawang Hamilton-class cutter sa Subic Bay sa Zambales. Sa kanyang talumpati, nanawagan si G. Aquino sa mga tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at handang magpakita ng katapangan at pananagutan na inaasahan sa mga kawal ng bansa.

Pinuri niya ang mga tauhan ng barko sa pamumuno ni Captain Ernesto Baldivino sa matagumpay na paglalakbay mula sa Estados Unidos patungo sa Subic Bay Development Authority.

Ipina-alala niya na maraming bahagi ng kasaysayan sa mga dinaanan ng barko sa paglalakbay nito patungo sa Pilipinas kabilang na ang Pearl Harbor at Guam. SA Pearl Harbor naganap ang pagsalakay ng mga Japones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa Guam naman ipinatapon si Apolinario Mabini na nakipaglaban para sa kasarinlan ng bansa. Nagpapahalaga lamang ang mga pook na ito sa kahalagahan ng Kasaysayan at ang pangangailangang tumupad sa mandato na maglingkod sa watawat, bantayan ang soberenya at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.

Malaking tulong umano ang barko sa pagtatanod sa baybay-dagat ng Pilipinas. Ipinagmalaki ni Pangulong Aquino na sa tatlong taong panunungkulan ay umabot na sa 27.62 bilyon ang nagastos sa AFP modernization program.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>