|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kongregasyon ng mga pari, kinondena ang pagpapasabog kahapon sa Cotabato
HIGIT na nadagdagan ang mga katatungan sa naganap na pagsabog kahapon sa Lungsod ng Cotabato. Mas maraming nababahala sa Region XII at maging sa ARMM. Ipinagtatanong ng Oblates of Mary Immaculate, Philippine Province kung sino ang may kagagawan ng pagpapasabog samantalang abala ang mga mamamayan para sa "buka" o "Iftar" sa buwan ng Ramadan. Higit nilang ikinabahala ang oras ng pagsabog na kasabay ng oras ng pag-uwi ng mga mag-aaral at samantalang nagtatapos ng mga gawain ang mga kawani ng pamahalaan.
Sino ang may kagagawan nito? Ano ang dahilan? Iyan ang ilan sa mga katanungnan ng mga mamamayan at ng mga pari ng OMI.
Sa isang pahayag na inilabas ni Fr. Lauro De Guia, OMI, ang provincial superior ng kongregasyon, ipinaabot niya ang pakikiramay sa mga naulila at mga nasa pagamutan. Walang sinumang nararapat makaranas ng ganito, dagdag pa ni Fr. de Guia.
Maaari umanong mahirapan ang paglilitis at pagdakip sa mga may kagagawan subalit kailangang gawin ito upang lumabas ang katotohanan. Ang paghahanap ng kapayuapaan sa lipunan at politika ay nararapat magpatuloy kahit pa may ganitong naganap.
Humiling si Fr. de Guia ng panalangin upang madaliang gumaling ang mga sugatan at pakikiramay naman sa mga naulila kasabay ng layuning makabalik ang lakas ng loob sa lipunang na-bakla sa pangyayari,
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |