|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Walang umento para sa mga kawani ng pamahalaan
HINDI makaka-asa ang mga kawani ng pamahalaan sa anumang dagdag sa kanilang mga sahod.
Walang salary increase na magaganap para sa higit sa isang milyong mga kawani ayon sa Department of Budget and Management.
Wala umanong sapat na pondo ang pamahalaan para sa umento sapagkat naipatutupad pa lamang ang Salary Standardization Law III.
Ipinaliwanag ni Kalihim Abad sa mga mambabatas na dapat munang alamin ng pamahalaan kung kailangan ang salary increase at kung ito'y napapanahon.
Kahit pa mayroong salary standardization part 3, hinihiling pa ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees o COURAGE na dagdagan ang sahod dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga karaniwang bilihin.
Unang hiniling ni Vice President Jejomar C. Binay na pagbalik-aralan at susugan ang Salary Standardization Law upang matugunan ang mga kahilingan ng mga kawani ng pamahalaan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |