Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karagatan, namula dahilan sa pagtapon ng krudo

(GMT+08:00) 2013-08-09 21:20:31       CRI

NAGKULAY PULA ang bahagi ng Manila Bay ngayon matapos tumapon ang krudo sa karagatan na dahilan upang mameligro ang kalusugan at kapaligiran.

Sinabi ni Commodore Joel Garcia na isang fuel tanker na pinaghihinalaang nagtapon ng kalahating milyong litro ng krudo sa isang padaluyan ng tubig.

Ani Commodere Garcia hindi nila matiyak kung napigil na nila ang pinsala dahilan sa lawak na karagatang naapektuhan. May mga balitang mga mamamayang isinugod sa pagamutan dahilan sa nahihirapan ng paghinga mula sa krudo.

Ikinalat na rin ang oil containment booms samantalang inaalam pa ng mga dalubhasa ang naging pinsala sa buhay ng mga lamang-dagat.

May 300 kilometro kwadradong may langis na tubig ang nakikitang gumagalaw patungo sa bibig ng Manila Bay kanina.

May 20 kilometro ng baybay-dagat malapit sa Maynila ang apektado.

Ipinagbawal naman ni Atty. Asis Perez, director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang paghahango at pagbebenta ng mga lamang-dagat hanggang walang pahintulot ang pamahalaan.

Ipinaliwanag niyang hindi nararapat makain ng mga tao ang petrolyo.

Hindi makagamit ang Coast Guard ng chemical dispersants sapagkat malalason ang tubig-dagat kaya't hihintayin na lamang na sumingaw ang krudo. Wala siyang tiyak na haba ng panahon upang tuluyang mawala ito.

Ang motor tanker na may pangalang Makisig at ang mga tauhan ay detenido ay papagbayarin ang may-ari nito ng gastos sa paglilinis kung mapapatunayang kapabayaan nila ang dahilan ng pagkakatapon ng krudo.

Pag-aari ng Herma Shipping and Transport Corporation ang motor tanker na may kapasidad na 34,000 liters. Kakapagbaba pa lamang ng tanker ng krudo sa isang terminal ng Petron sa Rosario, Cavite nang maganap ang sakuna.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>