|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mangangalakal ng Mindanao, umaasang matatapos na ang mga kaguluhan
NAGKAKAISA ang mga mangangalakal ng Mindanao na hindi makasasama ang serye ng kaguluhang nasaksihan sa iba't ibang bahagi ng katimugang Pilipinas.
Sinabi ni Ricardo Juliano, ang pangalawang pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry para sa Mindanao na hindi sila nawawalan ng pag-asa at magpapatuloy sa kanilang layuning mapa-unlad ang Mindanao.
Marami pang pinagkakaabalahan ang mga taga-Mindanao tulad ng pagsasama-sama ng ASEAN sa iisang komunidad sa taong 2015.
Sa panig ni Perfect Marquez, ang PCCI regional governor para sa Gitnang Mindanao, hindi nararapat mabahala ang karamihan ng mga mamamayan sa nagaganap sa kanilang pook.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |