|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
|
ayg201308191
|

Mixed Doubles players na sina Alvin Morada at Joella De Vera matapos talunin ang kaponan mula sa Maldives
Kahapon sa Nanjing Sport Institute Gymnasium sumabak sa ikalawang araw ng laro ang mga Pinoy shuttlers sa ika-2 Asian Youth Games. Pasok sa Quarterfinals ang Mixed Doubles players na sina Alvin Morada at Joella De Vera matapos talunin ang kaponan mula sa Maldives sa iskor na 21-8 at 21-10.

Coach "Bogs"Amahit Jr.
Ang tandem ani Coach "Bogs" Amahit Jr. ay talagang batak sa larong ito,
"Medyo lamang tayo dun sa laro nila kanina pa-easy easy lang. Actually si Morada at De Vera more in doubles sa Philippines so I think good fight sila bukas sa Taiwan bukas."

Coach "Bogs"Amahit Jr., ipinaliliwanag ang game plan kina Alcala at Inlayo
Makapigil hininga naman ang naging takbo ng laban nila Mark Alcala at Eleonor Inlayo kontra sa mga Indonesian. Nakuha ng Indonesia ang unang set 21-15. Pero humabol ang Pilipinas sa sumunod na round 21-14. Dikit ang laro na umabot ng 3 sets.

Mark Alcala at Eleonor Inlayo, Pinoy shuttlers vs Pangisthu MB at Fitriani F ng Indonesya
"Yung third set break of the game na lang ang nangyari sa kanila. The opponent was leading 19-16, 16 po tayo tapos hinabol natin one by one. Tapos pagdating ng 20 tayo, 19 ang kalaban medyo maganda ang rally may isang error lang at bumakal ang bola sa net. Then after that rally nagkaroon pa rin tayo ng chance 20 all tapos nag 21 tayo 20 ang Indonesia. Tapos nun nagtuloy tuloy na ang Indonesia. Ang nangyari din sobrang breaks of the game na lang."

Sina Mark Alcala at Eleonor Inlayo habang kinakapanayam ng CRI Serbisyo Filipino
Puno ng panghihinayang sina Mark at Eleonor pero di naman matatawaran ang kalidad ng kanilang paglalaro.
Ulat nina Machelle at Lele
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |