|
||||||||
|
||
ayg201308192
|
Haharapin ni second seed Mark Shelly Alcala ng Pilipinas si Lee Cheuk Yiu ng Hong Kong sa quarterfinals ng Men's Singles Badminton. Pumasok sa quarterfinals si Alcala matapos payukuin si Cheng Perak ng Cambodia 21-9, 21-11.
Di naman kabado ang kampiyon sa susunod na laban pero aminado syang di nya dapat maliitin ang kakayahan ni Lee sa paglalaro.
"Ang (napuna ko) lang po mabilis siya mapagod. So kailangan ko tibay lang para matalo ko sya."
Ani Coach Bogs Amahit Jr. dapat abangan ng badminton fans ang labang ng Pilipinas at Hong Kong, "Actually good game ang dalawa kasi ranked din ang Hong Player na yun parang si Mark part na rin ng seniors team ng Hong Kong. Hindi pa sila nag meet before pero good game good match ang laro nila.
Kung mananalo, susunod na makakalaban ni Alcala sa semifinals ang Tsina o Indonesiya.
Ulat nina Machelle at Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |