Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Standoff nagaganap sa Zamboanga; Pangulong Aquino, inutusan sina Kalihim Roxas at Gazmin na magtungo sa Zamboanga

(GMT+08:00) 2013-09-09 17:49:13       CRI

WALANG katiyakan kung anong magaganap matapos sumalakay ang mga kinikilalang "rogue elements" ng Moro National Liberation Front sa mga barangay ng Zamboanga City kaninang madaling araw.

Sa isang panayam, sinabi ni Colonel Ramon Zagala, pinuno ng Public Affairs Office ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, natunugan ng kanilang mga tauhan ang pagkilos kagabi ng mga tauhan ng MNLF. Binalak ng mga "rogue elements" na ito na pumasok sa Lungsod ng Zamboanga at magtungo sa bahay pamahalaan (city hall) at magtaas ng kanilang watawat.

Nagpadala ng mga tauhan ang AFP-Southwest Mindanao Command sa Barangay Rio Hondo. Mayroon ding barko ng Philippine Navy na ipinadala sa baybayin ng mga barangay.

Idinagdag pa ni Col. Zagala na nagkaroon ng sagupaang tumagal na sampung minuto mga ala-una kuwarenta y singko ng madaling araw. Nasawi ang isang kawal ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na kabilang sa Special Warfare Group at nasugatan ang anim na iba pa.

Kaninang ika-apat ng umaga, nakapasok ang ilang mga MNLF sa Rio Hondo, isang mataong barangay, at nakapang-hostage ng mga residente. Ayon kay Col. Zagala, iba't iba ang bilang ng mga hostages na lumalabas sa media. Sa kanilang impormasyon, may limampung mga residente ang na-hostage at binabalak na gawing panganggalang ng mga sumalakay na MNLF.

May media accounts na nagsasabing anim na ang nasawi samantalang may 200 ang hostages.

Ayon kay Col. Zagala, lubhang marami ang naninirahan sa Rio Hondo kaya't mayroong "standoff" na nagaganap sa pagitan ng mga MNLF at mga kawal ng pamahalaan.

Sa balitang mula sa tanggapan ni Zamboanga City Mayor Isabell Climaco-Salazar, mayroon na umanong anim ang nasasawi, isang pulis, isang tauhan ng Philippine Navy at apat na sibilyan. May 24 katao rin ang nabalitang nasugatan. Mas marami umanong casualties sa panig ng mga nanalakay.

Samantala, binigyan na ng malawakang briefing si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa isang pulong ng Security Cluster. Nagbigay ng briefing si AFP Chief of Staff General Emmanuel Bautista at ng Philippine National Police.

Ayon sa pahayag ng Malacanang, nag-utos na si Pangulong Aquino ng mga angkop na hakbang na gagawin upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan. May direct contact si Pangulong Aquino sa punong-lungsod ng Zamboanga.

Inutusan ni Pangulong Aquino sina Kalihim Manuel Araneta Roxas II, Kalihim Voltaire Gazmin at General Emmanuel Bautista na magtungo sa Zamboanga upang tiyaking masusunod ang kanyang mga kautusan. Pinayuhan ng Malacanang ang mga taga-Zambonaga na manatiling mapagbantay at maghintay ng mga pahayag at makipagtulungan sa pamahalaan.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>