|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Isang dokumento na lamang ang kailangan upang makauwi si Dondon Lanuza
ISANG dokumento na lamang ang kailangan upang makauwi ang nabilanggong si Rodelio "Dondon" Lanuza. Ito ang balita ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay.
Binalitaan na siya ni Ambassador Ezzedin Tago na tanging lagda na lamang ng Emir ang kailangan sa deportation order upang makaalis ng kaharian ang nabilanggong manggagawa.
Naunang lumagda ang Emir sa isang kautusang nagpapalaya kay Lanuza sa piitan subalit ayon sa Jawasat, ang Saudi passport office, ay nagsabi sa mga nasa piitan na kailangan pa ang kautusan ng Emir na nagpapatapon palabas ng kaharian sa pinakamadaling panahon kay Lanuza.
Ipinadala na ang kahilingan sa Emir na palayain na at paalisin na ng bansa si Lanuza. Sa oras na malagdaan ang kautusan, isang kopya ang ipadadala sa Dammam Reformatory Jail at magpapalabas na ng exit visa ang Jawasat. Hindi na rin tumutol ang pinaglilingkuran ni Lanuza upang mapasailalim na siya ng repatriation.
Nakabili na ng tiket sa eroplano ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas subalit wala pang final schedule ng paglalakbay. Pinuri ni Pangalawang Pangulong Binay ang Embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia sa pagbabantay sa kalagayan ni Lanuza.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |