Manggagawang mula sa Syria, makakauwi na
NAITAWID ng mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus sa hangganan ng Lebanon ang 41 mga overseas Filipino workers. Mula ang 41 sa 92 OFWs na nailikas ng embahada noong nakalipas na ika-lima ng Setyembre. Nanirahan sila sa Caritas Lebanon Migrant Center ng apat na araw at ibantayan din ng mga tauhan ng embahada at CLMC.
Inihatid ang mga manggagawa sa Rafik Hariri International Airport upang makauwi na sa Pilipinas.
Darating din ang may 31 mga OFW bukas ng umaga sakay ng Gulf Air flight GF 154.
1 2 3 4 5