Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

WHAT WOMEN WANT

(GMT+08:00) 2013-09-17 15:17:22       CRI

Kilalang kilala si Gong Li at si Andy Lau sa Asya at sa iba pang panig ng mundo. Si Gong Li ang bida sa maraming pelikula tulad ng Memoirs of a Geisha, Miami Vice, Farewell My Concubine, Red Sorghum The Emperor and the Assassin at marami pang iba . Multi awarded na aktres talaga si Gong Li.

Si Andy Lau naman ay isa sa mga nirerespetong aktor sa Asya. Cold War, A Simple Life, Detective Dee and the Mystery of the Phantom Flame, Infernal Affairs, A World Without Thieves at maraming marami pang iba. Dahil nagsimula ang career nya noong 1981 naparami na nyang ginawang mga pelikula.

Bida sa pelikulang What Women Want ang mga superstars ng Chinese cinema na sina Andy Lau at Gong Li.

2011 ipinalabas ang What Women Want, ito ay isang remake ng Hollywood movie ni Mel Gibson noong taong 2000.

Romance-comedy ang pelikula at kawili-wili dahil hindi ito ang genre na madalas na pinagbibidahan ni Gong Li at Andy Lau.

Versatile performer din si Andy Lau, kumakanta at sumasayaw kasi sya. At sa What Women Want ipinakita nya talaga ang talento sa pagkanta. Sa katunayan inawit nya ang Slip Away na kasama sa OST ng pelikula.

Masayang panoorin ang pelikula at ang tensyon ay mula sa classic plot na "war between sexes." Labanan kung sino ang mas may kaalaman ukol sa "anima" at "animus."

Kung hilig ang adult rom-com tiyak na mageenjoy sa pelikula.

Rating: Machelle and Andrea 9

Si Andy Lau

Si Gong Li

May Kinalamang Babasahin
love
v Fit Lover 2013-08-29 19:01:42
v Love on Credit 2013-08-06 17:31:26
v LOVE 2013-07-02 10:58:50
v SHADOWS OF LOVE 2013-06-26 18:55:26
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>