|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Zamboanga, makakabangon sa madaling panahon
UMAASA si Mindanao Development Authority chairperson Lualhati Antonino na nakatitiyak siyang sa pagtatapos ng kaguluhan sa Zamboanga ay makababalik sa normal ang buhay at kalakal ng mga mamamayan.
Mayroon umanong pangmatagalan at at malawakang mga palatuntunan para sa mga nasalanta. Tiyak na makakabawi ang mga mamamayan, dagdag pa ni Bb. Antonino.
May P 80 bilyon ang natamong negosyo ng Mindanao sa pamamagitan ng Board of Investments sa unang anim na buwan ng taon. Mas mataas ito ng 906% sa nataming P 57.7 bilyon noong 2012.
Magkakaroon na rin ng power plants sa Misamis Oriental at Davao del Sur na nagkakahalaga ng P 57.7 bilyon at ang FDC Misamis Power Corporation ay nagtatayo na ng 405 megawatt na power plant sa Misamis Oriental. Ang San Miguel Consolidated Power Corporation ang nagtatayo naman ng 150 megawatts sa Davao del Sur.
Iginiit pa ni Bb. Antonino na magpapatuloy pa rin ang kanilang mga proyekto kahit pa nagkagulo sa Zamboanga.
Umaabot umano sa P 331.37 milyon ang pinsala sa kalakal bawat araw.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |