Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labag sa batas ang Disbursement Acceleration Program

(GMT+08:00) 2013-10-01 18:12:40       CRI

Katatagan ng Pamahalaan, mahalaga sa mga mangangalakal

NAPAKAHALAGA ng katatagan ng mga alituntunin ng pamahalaan upang lumago ang mga kalakal sa Pilipinas. Ito ang layunin ng 30th Philippine Business Conference ng Philippine Chamber of Commerce and Industry sa gagawing pagpupulong sa ika-21 ng Oktubre sa Manila Hotel.

Ayon kay Pangulong Miguel B. Varela ng PCCI, ang mga mangangalakal ay nagkakaroon ng interes sa Pilipinas sa oras na makatiyak ng maayos at patas na larangan at maliwanag na kikitain.

Ang mga credit rating na natamo ng bansa ang nagtaas ng antas ng Pilipinas tungo sa investment grade status. Lumago rin ang ekonomiya na nagpapakita ng matatag ang kalakalan sa bansa.

Ang mga lalahok sa Philippine Business Congress ay magkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitan ng impormasyon at mahahalagang datos at tiyak na makikinig sa mga magbabahagi ng mga nagaganap sa pamahaaan.

Inaasahang dadalo ang mga kasapi sa samahan sa iba't ibang rehiyon at foreign trade missions.

Bagong obispo ng Dumaguete, kinilala

HINIRANG ni Pope Francis si Cebu Auxiliary Bishop Julito B. Cortes bilang Obispo ng Dumaguete na katatagpuan ng may 1,034,000 na Katoliko, 104 na pari at 125 mga madre't pari na kabilang sa iba't ibang religious congregations.

 BAGONG OBISPO NG DUMAGUETE KINILALA.  Si Cebu Auxiliary Bishop Julito B. Cortes ang bagong Obispo ng Dumaguete.  Siya ang ika-apat na obispo ng Dumaguete mula ng itatag ito noong Abril 1955.

Isinilang si Bishop Cortes sa Paranaque noong 1956 at naordenan sa pagkapari noong 1980. Naordenan sa pagka-obispo noong 2002. Siya ang ika-apat na Obispo ng Dumaguete mula ng itatag ito noong Abril 1955.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>