Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Matagal at matibay ang relasyon ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-11-04 17:59:57       CRI

MAGANDA ang relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas. Ito ang binigyang-diin ni Vice President Jejomar C. Binay sa kanyang talumpati sa pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng Shandong Association of the Philippines na idinaos kahapon sa Hotel Sofitel sa Pasay City.

DAANG-TAON NA ANG PAGKAKAIBIGAN NG TSINA AT PILIPINAS.  Hindi matitinag ang magandang relasyon ng Tsina at Pilipinas dahilan sa 'di pagkakaunawaan sa nakalipas na ilang taon.  Nananatili ang magandang pagtingin sa isa't isa ng matagal ng magkaibigang mga bansa, dagdag pa ni VP Binay.  (Melo Acuna)

Naging saksi umano siya sa unang anibersaryo ng pagkakatatag ng samahan dalawang taon na ang nakalilipas. At sa nakalipas na ilang buwan, naging laman ng mga pahayagan, radyo't telebisyon ang 'di pagkakaunawaan ng dalawang matagal nang magkaibigang bansa. Naniniwala si G. Binay na mananatili ang pagkakaibigan sapagkat pinahahalagahan ito ng magkabilang panig.

Ang daang-taong relasyon ng dalawang bansa ay hindi mapapawi ng mga pangyayari sa nakalipas na dekada, dagdag pa niya.

Pinuri niya ang mga taga-Shandong na nagpapahalaga sa papel ng Edukasyon na naging susi ng tagumpay sa larangan ng kalakal at kultura.

Nasubukan na rin umano ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa pagsapit ng mga kalamidad at pagsubok, tulad ng pagmamalasakit ng mga Tsino sa mga naging biktima ng trahedyang dulot ng malakas na lindol noong nakalipas na buwan.

Idinagdag pa ni Ginoong Binay na mahalaga ang papel ng Tsina sa pagtatatag ng pangrehiyong kapayapaan. Matatamo ang kapayapaan ng magkabilang panig sa pamamagitan ng pagtutulungan.

Pinamumunuan ng negosyanteng si G. Michael Chung ang Shandong Association of the Philippines.

Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na makikita ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas sa Kasaysayan sa nakalipas na ilang daang taon. Ang mga 'di pagkakasundo sa nakalipas na ilang taon ay hindi makasisira sa mabuting samahan at pagkilala ng Tsina at Pilipinas sa isa't isa.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>