Kalakaran sa Pananalapi, matatag
SINABI ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maayos at matatag ang Philippine financial system sa katatagan ng balance sheets ng mga bangko at non-bank financial institutions sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon. Ito ang nilalaman ng Status Report on the Philippine Financial System ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2013.
Ang resources ng domestic banks na kumakatawan sa 80% ng financial system ng bansa ay lumago ng 16.2% at nakarating sa P 8.6 trilyon kung ihahambing sa performance noong nakalipas na taon. Naganap ito dahilan sa pagkakaroon ng 12.3% na paglago ng mga utang na tinustusan ng 18.3% increase sa mga deposito sa unang bahagi ng 2013. Ang mga financial intermediaries ay nagkaroon din ng 60% paglago sa net profit sa pagtatapos ng huling araw ng Hunyo 2013.
Ang non-performing loans ay nasa 3.3% lamang ng buong loan portfolio ng mga bangko, dagdag pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa pagtatapos ng Hunyo 2013, mayroong 683 bangkong bukas, 8,860 na mga sangay, 13,129 na ATMs at 391 microfinance banking offices, 212 bangko na may e-banking services tulad ng internet, mobile phone, e-wallet at remittance cards.
1 2 3 4 5