Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagyong Yolanda, patuloy na nananalasa sa bansa

(GMT+08:00) 2013-11-08 17:44:40       CRI

Survey ng Simbahan, sinimulan na

MARTES ng ilabas ng General Secretariat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang sirkular sa 80 ecclesial provinces o dioceses upang masimulan ang konsultasyon na hiniling ni Pope Francis.

Ayon kay Msgr. Joselito C. Asis, secretary general ng kapulungan, bagama't may petsa ang liham na ika-18 ng Oktubre sa Vatican City, natanggap nila sa Maynila ang liham noong nakalipas na Lunes, ika-apat ng Nobyembre. Ipinadala ang liham kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas, ang papasok na pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines

Nilalaman ng liham ang preparatory document para sa ikatlong Extraordinary General Assembly ng Synod of Bishops na may temang "Pastoral Challenges to the Family in the Context of Evangelization na gagawin sa ikalima hanggang ika-19 ng Oktubre 2014.

Idinagdag ni Msgr. Asis na ang liham ni Arsobispo Lorenzo Baldesseri, General Secretary ng Synod of Bishops ay naglalaman ng kahilingang ipamahagi ang dokumento sa pinakamaraming mamamayan upang marinig ang kanilang mga pananaw sa nilalamang questionnaire bilang paghahanda sa working draft ng sinodo.

Kailangang maisumite sa Vatican City ang nalagom na tugon bago sumapit ang ika-31 ng Enero, 2014.

Ayon kay Msgr. Asis, ang konsultasyon tungkol sa pamilya ay nangungunang prayoridad ng CBCP sa limang paksang kanilang ipinadala sa Vatican kamakailan. Malaki ang posibilidad na mga isyung may kinalaman sa pamilya ang naging praroyidad rin ng iba't ibang bansa. Ang mga obispo ay inaasahang magpapadala ng sipi ng questionnaire sa mga parokya at pag-uusapan ng mga kabilang sa Simbahan.

Ang mga katanungan ay may kinalaman sa mga turo ng simbahan, kasal ayon sa Natural Law, ang pangangalaga sa bawat pamilya ayon sa ebanghelisasyon, pag-aalaga sa mga mag-asawang nasa mahirap na kalagayan, sa pagsasama ng mga taong iisa ang aksarian at pag-aaral ng mga anak na mula sa tinaguriang irregular marriages, ang kahandaan ng mga mag-asawa sa pagkakaroon ng supling, relasyon ng pamilya at ng tao at iba pang mga hamon at mga panukala.

Idinagdag pa ni Msgr. Asis na ang bawat paksa ay mayroong apat hanggang walong katanungan.


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>