Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong trahedya sa Pilipinas, matinding dagok sa mga Pilipino

(GMT+08:00) 2013-11-25 18:55:09       CRI

BAGAMA'T naibsan ang kalungkutan ng maraming mga biktima ni "Yolanda" sa pagwawagi ni Manny Pacquiao kahapon sa Macau, inulat ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs na sa tatlong trahedyang tumama sa bansa, naging matindi ang dagok nito sa mga Pilipino.

Sa trahedyang dulot ni "Yolanda," iniulat na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) na 5,235 na ang nasawi samantalang may 25,559 ang nasugatan at nawawala naman ang 1,613 iba pa.

Ayon sa OCHA, kailangan pa rin ang pagkain, tubig na maiinom at matitirhan. May nakakain na ang mga apektadong komunidad subalit nababahala sa kakulangan nito sa matagalang panahon sa pagkakaroon ng limitado o kawalan ng access sa mga pamilihan. Nangangailangan ang mga komunidad ng mas magandang matitirhan, sapat na sustansya, at malinis na tubig upang maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon sa mga susunod na buwan. Kahit pa may mga banyagang manggagamot na nakatuon sa trauma injuries at sa kanilang paghahandang umalis ng Pilipinas, magkakaroon ng gap o agwat sa basic health care. Lubhang pagod na ang mga naglilingkod na mga manggagamot at maituturing na mahina pa ang coverage sa mga biktima.

Sa likod nito, bumuo na ang pamahalaan ng high-level national task-force upang tiyakin ang transition mula sa relief efforts patungo sa rehabilitation at pagtatayong muli ng mga apektadong pook.

Hindi naman gasinong naapektuhan ng bagyong "Yolanda" ang nilindol na lalawigan ng Bohol. Isang problema ay ang kawalan ng kuryente na dahilan din ng kawalan ng tubig.

Ayon sa Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, nakabalik na ang karamihan sa mga biktima sa kanilang mga tinitirhan subalit umaasa pa rin sa tulong ng pamahalaan at humanitarian partners. Nagbabago na rin ang programa mula sa relief at patungo na sa early recovery. Matapos ang limang linggo, ang Bohol Earthquake Action Plan ay nakatanggap pa lamang ng 18% mula sa US$ 46 milyong hiniling na pondo. Kailangan ang sapat na salapi upang umusad ang relief operation. Naganap ang malakas na lindol sa Bohol noong ika-15 ng Oktubre, 2013.

Tungkol naman sa humanitarian crisis na naganap sa Zamboanga City na nagsimula noong ika-9 ng Setyembre, 70,000 katao ang itinuturing na displaced samantalang mayroong 33,000 ang nasa 14 na evacuation centers. Isang malaking hamon para sa pamahalaan ang paglilipat ng mga evacuees mula sa 11 paaralan patungo sa transitory sites. Natapos na ang pagtatayo ng bunk hosues sa tatlong transitory sites na mayroong karagdagang dalawa pang transitory sites na inihahanda samanatalang mayroong pitong ipinanukalang resettlement sites.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>