Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Secretary-General ng Red Cross/Crescent dumalaw sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-12-05 18:34:05       CRI

Secretary-General ng Red Cross/Crescent dumalaw sa Pilipinas

PERSONAL na susuriin ni Secretary General Bekele Geleta ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies ang situwasyon matapos hagupitin ni "Yolanda" ang Central Philippines noong isang buwan.

Isang dalubhasa sa paglilingkod sa mga namimiligrong mga mamamayan sa nakalipas na 20 taon, si Bekele ay may malawak na karanasan sa pagpapatakbo, pagpapayo at pagpapatupad ng mga palatuntunan sa humanitarian organizations.

Dadalaw si Bekele sa Leyte kasama sina Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon at Secretary-General Gwen Pang upang mamahagi ng relief goods at suriin ang nagagawa nan g samahan.

Mayroong nakatakdang coordination meeting sa iba pang partner national societies upang higit na makatulong ang Red Cross at Red Crescent societies sa buong daigdig.

Higit umano sa 1.5 milyong pamilya mula sa 404 bayan at mga lungsod ang apektado ng trahedya. Mayroon nang 156,819 na food packs ang naipamahagi sa mga pamilya samantalang halos 40 libo katao ang nabigyan ng hot meals. Nakapaglingkod na rin ang PRC welfare services sa may 32,268 kaso ng tracing at restoring family links.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>