|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Prayoridad ni Ambassador Goldberg ang pag-iibayo ng relasyong Pilipinas – Estados Unidos

US AMBASSADOR GOLDBERG, NAGBIGAY-GALANG KAY SENATE PRESIDENT DRILON. Dumalaw kanina si US Ambassador Philip Goldberd sa tanggapan ni Senate President Franklin M. Drilon. Nagpasalamat si G. Drilon sa Estados Unidos sa ipinadalang tulong ng America sa Pilipinas matapos hagupitin ni "Yolanda" noong isang buwan. (OSP)
LAYUNIN ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg na higit na patibayin ang kalakalan sa pag-itan ng dalawang bansa tulad ng isinasaad sa Trans-Pacific Partnership (TPP). Kailangan din umanong pagtibayin ang pagkalinga sa mga kabataan tulad ng kanilang itinataguyod na seminar sa Makati na dinadaluhan ng mga kabataang mula sa ASEAN. Napag-usapan din umano nila ni Senate President Drilon ang ilang security issues na higit na maglalapit sa dalawang bansa tulad ng humanitarian assistance at disaster relief.
Sa isyu ng Air Defense Identification Zone (ADIZ), sinabi ni Ambassador Goldberg na maliwanag ang mensahe ni Vice President Joe Biden na dumalaw sa Japan at sa Tsina. Kailangan umanong mabawasan ang tensyon kahit sa hilangang silangang Asia o sa timog silangang Asia. Wala umanong konsultasyong ginawa sa isyung ito ang Tsina. Kailangang magtulungan upang maiwasang lumala ang situasyon, dagdag pa ni G. Goldberg.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |