|
||||||||
|
||
Norwegian Foreign Minister, dadalaw sa Pilipinas
DARATING sa Maynila si Norwegian Foreign Minister Børge Brende bukas hanggang sa Huwebes para sa isang opisyal na pagdalaw. Sasalubungin siya ni Kalihim ng Ugnayang Panglabas Albert F. Del Rosario. Ito ang kauna-unahang pagdalaw niya sa Pilipinas.
Mga paksang may kinalaman sa relasyon ng dalawang bansa ang kanilang pag-uusapan at maghahanap ng mga paraan upang higit na magkatulungan sa larangan ng kalakal at maritime cooperation. Pag-uusapan din nila ang paglahok ng Norway sa pagbangon ng mga napinsala ni "Yolanda." Dadalaw din siya sa Tacloban City at Basey sa Samar upang masdan ang humanitarian assistance ng kanyang bnasa.
Makakausap din niya si Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles bilang third country facilitator sa usapang pangkapayapaan sa mga grupong komunista at paglahok bilang bahagi ng International monitoring Team sa Mindanao.
May mga 20,000 magdaragat na Pilipino ang kawani ng mga kumpanyang Norwegian. Patuloy silang sumusuporta at nagpaparating ng technical assistance sa pagtalima ng Pilipinas sa international maritime standards.
Nagsimula ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Norway noong 1948. Mayroong halos 17,500 mga Pilipino sa Norway na naglilingkod bilang nurses, nursing aides, caregivers, engineers at housekeepers.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |