|
||||||||
|
||
Palasyo, bukas sa paglilipat ng arawa ng pasukan
SINABI ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. ng Presidential Communication and Operations Office na bukas ang Malacanang sa panukalang ilipat ang pasukan mula Hunyo at gawing Setyembre sapagkat ito'y naaayon sa pagkakaroon ng iisang komunidad sa ASEAN sa 2015.
Sa isang panayam sa Radyo ng Bayan, sinabi ni Kalihim Coloma na ang panukala ay ayon sa isinusulong ng Association of Southeast Asian Nations upang higit na madali ang paglalakbay ng mga mamamayan sa buong rehiyon.
Idinagdag pa niyang bukas ang pamahalaan sa pag-aaral ng panukala bilang paghahanda sa pag-iisa ng mga kasaping bansa sa ASEAN ayon sa pagkakaroon ng isang komunidad sa 2015.
Napapanahon itong pag-aralan ng masinsinan upang magkaroon ng angkop na desisyon sa pinakamadaling panahon. Idinagdag pa ni Kalihim Coloma na samantalang wala pang desisyon sa panukala, ipatutupad ang isinasaad at nilalaman ng mga alituntunin ng Kagawaran ng Edukasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |