|
||||||||
|
||
Groundbreaking ng Metro Manila Skyway Stage 3, gagawin bukas
MALAMANG na lumuwag ang trapiko sa Metro manila sa pagkakaroon ng skyway na nagkakahalaga ng P 26.59 bilyon sa pamamagitan ng Citra Central Expressway Corporation. Idaraos ang groundbreaking rites bukas na dadaluhan ng mga kinatawan ng Department of Transportation and Communications at Toll Regulatory Board.
Ang Citra Central Expressway Corporation ang gagawa ng skyway stage 3 samantalang ang DOTC at TRB ang regulator sa pagpapatupad at operasyon nito.
May haba itong 14.82 kilometro at magtataglay ng six elevated lanes mula sa Skyway sa Buendia sa Makati patungo sa Balintawak, Quezon City. Magsisimula ang pagtatayo nito sa Abril ng taong ito at tatagal ng tatlong taon.
Apat na bahagi ito mula sa Buendia tungo sa Plaza Dilao sa Paco mula Abril 2014 hanggang Abril 2016, ang Plaza Dilao hanggang Aurora Blvd., mula Abril 2014 hanggang Abril 2017, Aurora Blvd. hanggang Quezon Avenue ay itatayo mula Abril 2014 hanggang Abril 2016 at Quezon Avenue hanggang Balintawak mula Abril 2014 hanggang Disyembre 2016.
Sa oras na matapos ang Skyway Stage 3, luluwag ang traffic sa EDSA, sa Quezon Avenue, Araneta Avenue at Nagtahan )Bridge) sapagkat mababawasan ang mga sasakyan ng 55,000 sa bawat araw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |