|
||||||||
|
||
Cardinal Tagle, lumahok sa Pambansang Panalangin sa Malacanang
Pinamunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III (pangalawa mula sa kanan) ang pananalangin para sa mga nabiktima ng serye ng mga trahedya noong nakalipas na taon. Kasama niya si Bro. Isaias Samson ng Iglesia ni Cristo (kaliwa), Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle at PSupt. Ebra Moxir ng Imam Council of the Philippines
NAGSAMA-SAMA ang iba't ibang mga kinatawan ng pananampalataya sa Pilipinas sa National Day of Prayer na pinamunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kahapon ng hapon.
Sa panalangin kahapon, ginunita ang mga naging biktima ng mga trahedya noong nakalipas na taon.
Si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na kumatawan sa mga Katoliko ay nanalangin sa patuloy na paggabay ng Panginoon sa likod ng mga trahedyang tumama sa bansa.
Natampok noong 2013 ang standoff sa Zamboanga City, lindol sa Bohol at bahagi ng Cebu, super typhoon Yolanda na tumama sa Silangan, Gitna at Kanlurang Kabisayaan.
Sinabi ni Kalihim Jose Rene Almendras na ang temang "Isang Bansa, Isang Panalangin" ay muntik ng hindi matuloy dahilan sa mga isinagawang relief, rescue at rehabilitation efforts ng pamahalaan kasunod ng mga kalamidad.
Nagkaroon din ng mga kinatawan mula sa iba't ibang relihiyon tulad nina Isaias Samson ng Iglesia ni Cristo, Zenaida Pawid ng Commission on Indigenous Peoples, Bishop Jonel Milan ng Philippine Council of Evangelical Churches at Police Supt. Ebra Moxir ng Imam Council of the Philippines.
Dumalo rin sina Vice President Jejomar C. Binay, Senate President Franklin M. Drilon at mga kasapi ng gabinete.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |