|
||||||||
|
||
Pilipinas, nababahala sa mga nagaganap sa Crimea
LUBHANG nababahala ang Pilipinas sa mga nagaganap sa Crimea at umaasang magkakaroon ng solusyon sa pamamagitan ng diplomasya.
Sa pahayag na inilabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, binigyang-diin ng Pilipinas ang United Nations General Assembly Resolution 3314 at nanawagan para sa pagiging mahinahon ng lahat ng panig sa usapin.
Sumusuporta ang Pilipinas sa lahat ng pagkilos, mabawasan lamang ang tensyon sa rehiyon ay magkaroon ng malawakan at mahinahong pag-uusap at pagkakasundo nang may paggalang sa itinatadhana ng batas na nararapat kilalanin ng lahat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |