|
||||||||
|
||
Mas makabubuting madaliin ang pag-aayos sa Kabisayaan
HIGIT na gaganda ang imahen ng pamahalaan sa mga mamamayan at sa daigdig kung madadali ang rehabilitation programs para sa mga nasalanta ni "Yolanda" sa pinakamadaling panahon.
Malaki umano ang posibilidad na dumalaw sa Kabisayaan si Pope Francis matapos ang pagdalaw sa Korea para sa Asian Youth Day sa Agosto ng taong ito.
Unang lumabas ang balita ng posibleng pagdalaw ng Santo Papa sa Kabisayaan mula noong dumalaw si Cardinal Robert Sarah ng Pontifical Council Cor Unum sa Leyte noong Enero. Binanggit niya ito sa Misa na kanyang pinamunuan sa Katedral ng Palo.
Kung matutuloy ang pagdalaw na ito, sinabi ni Fr. Conegundo Garganta na isang malaking hamon para sa pamahalaan ang pagsasa-ayos ng mga napinsalang pook sapagkat matutuon ang mata ng daigdig sa pamamagitan ng international media coverage.
Sa panayam, sinabi ni Fr. Garganta na ang pagdating ng Santo Papa ay isang paraan upang daluhan ng pamahalaan at ng ibang sektor ang mga pangangailangan ng mga nasalanta.
Si Fr. Garganta ang executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |