Pagkakaroon ng E-Commerce Bureau, hiniling
ISANG mambabatas ang humiling na magtatag ng Bureau of e-Commerce upang tugunan ang maraming mga isyu sa larangan ng e-commerce industry at isulong ang bansa bilang isang maganda at ligtas na paglalagakan ng kapital para sa e-commerce.
Hiniling ni Congressman Wes Gatchalian ng Alay-Buhay Party List sa kanyang House Bill 3878, na itutuon ang atensyon ng e-Commerce Bureau sa e-commerce development, international competitiveness at patuloy na panananaliksik.
Magkakaroon din ng statistical data, kakayahang magsisiyasat sa administrative complaints at magbabantay at magsusuri sa e-commerce policies and programs.
Kinilala na umano ng Republic Act 8792 ang papel ng information at communication technology sa kalakal at pagpapaunlad ng bansa. Ang e-commerce office ng Department of Trade and Industry ay itinatag upang suportahan ang pagsusulong at pagpapaunlad ng electronic commerce sa bansa. Ang e-commerce bureau ay higit na magkakaroon ng poder sa pagbuo ng polisiya, pagbabalak, pakikipag-ugnayan, pagpapatupad at paggawa ng kaukulang regulasyon upang isulong ang e-commerce industry sa bansa.
1 2 3 4 5