|
||||||||
|
||
Pulong ng mga Consul General sa Xiamen, idinaos
PINAGHAHANDAAN ng Pilipinas, Singapore at Thailand at ng Xiamen Foreign Affairs Office ang darating na 4th Nanyang Culture Festival mula sa darating na Miyerkoles, ika-28 ng Marso hanggang ika-apat ng Abril sa Lungsod ng Xiamen.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, si Philippine Consul General Julius Ceasar A. Flores ang namuno sa8th Joint Mechanism Meeting sa mga Consulates General ng tatlong bansa sa Kempinski Hotel sa Xiamen kamakailan.
Lalahok ang Pilipinas sa Food Festival, Academic Symposium, Trade Exhibition at Cultural Performances.
Pinasalamatan ni Consul General Flores ang Xiamen Foreign Affairs Office at Lungsod ng Xiamen sa matagumpay na paglahok ng Pilipinas sa Xiamen Lantern Festival at Fujian Media Familiarization Tour.
Si Director General Hong Chengzong at Consul General Loh Tuck Keat ng Singapore at Consul General Pachuen Phornmongkol ng Thailand ang namuno sa kani-kanilang mga delegasyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |