|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bumalik sa Kawalan, ituon ang pansin kay Hesukristo
SIMPLE ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga pari ng Maynila sa idinaos na Misa ng Krismo sa Manila Cathedral kaninang umaga.
"Bumalik kayo sa kawalan, ituon ang pansin kay Hesukristo at sundan ang pagbabasbas ng Banal na Espiritu," ani Cardinal Tagle sa tradisyunal na misa kaninang umaga. Ang Misa ng Krismo ay karaniwang ginagawa sa bawat Huwebes Santo sa buong daigdig.
Idinagdag pa niya na ang pagtitipon kanina ay pagpapakita na magkaroon ng bagong buhay sa pagsalubong sa pagbabasbas ng Banal na Espiritu ngayong Semana Santa. Makakamtan ang buhay at pagmamahal ng Diyos, dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Sa kanyang mensahe sa mga layko, sinabi ni Cardinal Tagle na mahalagang bumalik sa kawalan at gunitain na ang lahat ay nagmula sa kawalan.
"Wala namang maipagmamalaki ang sinoman sapagkat ang lahat ay nagmula sa alabok at tanging Diyos lamang ang maasahan, dagdag pa ni Cardinal Tagle.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |