|
||||||||
|
||
140418melo.m4a
|
Special Report
Tradisyong Saling-lahi
TRADISYONG SALING-LAHI. Ipinaliliwanag ni Mario Arguelles, ikatlong saling-lahing nag-aalaga at nag-iingat ng imahen ng Birhen ng Dolorosa na tuloy ang kanilang gawain sa nakalipas na higit sa 100 taon. Ibinigay ng isang prayleng Kastila ang imahen sa kanyang lolo may 100 na ang nakalilipas. Isa lamang ang pamilya ni G. Arguelles na nag-iingat ng mga imaheng isinasama sa mga prusisyon sa Mahal na Araw. (Melo M. Acuna)
SA iba't ibang bahagi ng bansa. maraming pamilya ang abala sa pagbibihis at pag-aayos ng mga imahen ng mahahalagang tao sa pananampalataya lalo't Semana Santa.
Kabilang sa mga taong abala si Mario Arguelles, isang mamamahayag mula sa isang pambansang periodiko. Mula sa kanyang tahanan sa Lungsod ng Legazpi, sa edad na 63 taong gulang, ikatlo na siya sa kanyang angkan na nagbibihis at naglilinis at nag-iingat ng imahen ng Ina ng Dolorosa, ang imaheng naglalarawan ng pagkalumbay ni Birheng Maria sa pagkamatay ng kanyang anak na si Hesukristo. Ang imahen ay higit na sa 100 taon.
Ani Mar sa isang panayam, tinanggap ng kanyang Lolo, si Señor Ramon Serrano ang imaheng gawa sa isang malambot na kahoy higit na sa isang daang taon ang nakalilipas mula sa isang Prayleng Kastila. Naglingkod ang kanyang lolo bilang punong-bayan ng Legazpi noon.
Iniwan ng kanyang Lolo sa kanyang inang si Irene Serrano ang pag-iingat at pag-aalaga sa imahen. Nabuhay ang kanyang ina hanggang sa edad na 93 años.
Ngayon, ang mga anak ni Mar na sina Mark Vincent at Mario, Jr. na edad 32 años na ang nag-aalaga at nagdadamit sa imahen ng Dolorosa.
Idinagdag ni Mar na simula ng Linggo ng Palaspas ang kanilang pagkilos. Para sa kanilang pamilya, tanging mga anak lamang na lalaki ang mag-aayos ng imahen. Nagpapamisa ang Pamilya Arguelles sa karangalan ng Ina ng Dolosa kada Miyerkoles Santo.
Sinabi naman ni Jose Briones, isang dating kawani ng Kagawaran ng Turismo, bihirang dapuan ng sakit ang mga tumutulong sa pag-aalaga ng mga imahen na inilalalabs sa kada prusisyon sa Semana Santa.
Ayon kay Mark Vincent, ika-apat na saling-lahi na nag-aalaga ng mahal na imahen, ipagpapatuloy lamang nila ang kinaugalian sa bawat pagsapit ng Mahal na Araw.
Naniniwala si Mar Arguelles na ipagpapatuloy pa ng mga susunod na apo at apo sa tuhod ang kanilang kinagawian.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |