Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seguridad sa pagdating ni Pangulong Obama, pinaigting

(GMT+08:00) 2014-04-22 18:36:45       CRI
Seguridad sa pagdating ni Pangulong Obama, pinaigting

PSG AT US SECRET SERVICE NAGPUPULONG NA.  Sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines,na may paghahanda na ang Pilipinas at Estados Unidos sa seguridad ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na dadalaw sa Pilipinas sa Lunes.  Tanging suporta lamang ang kanilang ibibigay sa PSG at US Secret Service tulad ng Philippine National Police at Metro Manila Development Authority.  (Melo M. Acuna)

NAGTUTULUNGAN na ang mga tauhan ng Presidential Security Group at US Secret Service sa mga isyung pangseguridad sa pagdalaw ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Lunes, ika-28 ng Abril.

Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, may mga pagpupulong nang ginagawa ang mga autoridad at tanging susuporta lamang ang kanilang tanggapan, ang Philippine National Police at ang Metro Manila Development Authority.

Ang Presidential Security Group at ang US Secret Service ang mangangasiwa sa mga pook na pupuntahan ni Pangulong Obama samantalang nasa Maynila.

Samantala, naniniwala si Col. Zagala na nais magparamdam ng mga rebeldeng New People's Army na sila'y may lakas pa sa pamamagitan ng iba't ibang pagkilos sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Subalit niliwanag ni Col. Zagala na mahihirapang makabawi ang mga rebelde matapos madakip ang kanilang mga pinunong sina Wilma at Benito Tiamzon.

Wala pa umanong pumapalit kina Wilma at Benito Tiamzon sapagkat wala pang nagaganap na pagpupulong o plenum ang mga rebelde dahilan sa pinag-ibayong kampanya ng pamahalaan laban sa mga gerilya sa buong Pilipinas.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>