|
||||||||
|
||
Regional integration, magkakatotoo na
REGIONAL INTEGRATION MAGKAKATOTOO. Ayon kay Iwan J. Azis ng Office of Regional Economic Integration ng Asian Development Bank, isang malaking bahagi ng kasaysayan ang pagsasanib ng sampung bansang kasapi ng ASEAN bilang isang komunidad tulad ng European Union. (Ben Briones/PNA)
MULA sa unang araw ng Enero ng 2016 ay magsisimula nang maging isang komunidad ang mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations. Sa isang briefing na idinaos sa Asian Institute of Management, sinabi ng mga dalubhasa mula sa Asian Development Bank na magkakatotoo ang pagsasama-sama ng mga bansang Indonesia, Pilipinas, Thailand, Malaysia, Vietnam, Brunei Darussalam, Cambodia, Laos at Myanmar at Singapore.
Sa isang briefing kaninang umaga, sinabi ni Iwan J. Azis, ang pinuno ng Office of Regional Economic Integration ng Asian Development Bank na kung nasusundan ng karamihan ang roadmap patungo sa pagsasanib ng mga bansa sa ASEAN, makatitiyak na malakas ang pagkatig ng mga bansa tungo unang araw ng Enero 2016.
May 58% ng foreign direct investments ang nagmumula at matatagpuan sa Asia. May 54% ng mga kalakal ang umiikot sa loob ng rehiyon at unti-unting malalampasan ang 20% equity flows sa loob ng masiglang bahagi ng daigdig. Mayroon ding 15% ng debt market ang dumadaloy sa loob ng rehiyon.
Nabanggit din ni G. Azis na ang pinsala ng mga trahedyang tumama sa Asia sa nakalipas na ilang taon ang humigit sa kaunlarang natamo sa Gross Domestic Product. Isang malaking bagay ito sa magiging kinabukasan ng rehiyon at ang susi ay ang pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa ASEAN. Kailangan ito sapagkat ang anumang trahedyang tatama sa rehiyon ay makaapekto sa takbo ng ekonomiya ng mga kasaping bansa.
MAHALAGA ANG TRADE AND INVESTMENTS SA PAGBABANGKO. Ito isa sa mga binigyang pansin ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo sa pagpupulong ng mga dalubhasa kanina sa Asian Institute of Management. (Ben Briones/PNA)
Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo na malaki ang kaugnayan ng trade and investment sa banking at finance upang maisulong ang mas malalim na financial integration.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |