Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2014 Beijing International Film Festival

(GMT+08:00) 2014-05-05 15:50:14       CRI

Ang 2014 Beijing International Film Festival o BJIFF ay isa sa pinaka-inaantabayanang aktibidad sa film industry ng China. Talagang star studded at napakaraming kilalang pangalan mula sa international film industry ang dumalo sa okasyon. Napaka glamorous at talagang glitzy! Ang 4th BJIFF ay inorganisa ng State Administration of Radio Film and Television at ng Beijing Municipal Government. At ang pangunahing misyon nito ay bigyang pugay ang mga dekalidad na pelikula.

Sa 2014 BJIFF ipinalabas ang 282 films, kasama na ang mga restored versions ng mga classics tulad ng pelikula ni Anthony Asquith na Underground at Rebel Without a Cause na pinagbidahan ni James Dean.

At ayon kay Hong Kong director John Woo, ang Chair ng Jury, na ang mga panel members ay talagang nagtrabaho para mapili ang pinakamagaling na mga pelikula.

May malakas na international flavor ang 4th Beijing International Film Festival patunay sa pagnanais ng industriya ng pelikulang Tsino na maging global. Ay may isang malaking pagbabago sa taong ito … walang iba kundi ang pagkakaroon ng opening night screening. First time na magkakaroon nito sa BJIFF. At ang Opening Film ng 4th BJIFF ay Beauty and the Beast, isang Franco-German romantic fantasy na gawa ng French director na si Christophe Gans starring Vincent Cassel and Lea Seydoux.

Pitong kilalang film-makers mula sa anim na bansa ang bumubuo sa Jury kabilang sina John Woo, Andres Vicente Gomez, Lu Chuan, Maroa Gazia Cucinotta, Ning Hao, Philippe Muyl at Rajkumar Hirani. Pinili nila ang 10 makakatanggap ng Gawad Tiantan ng 4th BJIFF.

Mga shortlisted films para sa Tiantan Award

•Zoran, My Nephew the Idiot - Italy/ Slovenia

•Third Person – Belgium

•The Rocket – Australia

•The Grandmaster - China

•The Enemy Within - Greece

•Siddharth – Canada / India

•Partner – China

•Matterhorn - Netherlands

•In Bloom – Georgia

•IloIlo - Singapore

•Hope – Korea

•Circles – Serbia

•Carmen - Romania

•Attila Marcel - France

•A Promise - France

Si Zhang Ziyi

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
festival
v Tagumpay ng Pelikulang Tsino sa Berlin Film 2014-02-25 16:43:29
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>