Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago ng 5.7% sa unang tatlong buwan

(GMT+08:00) 2014-05-30 16:02:59       CRI

Mga balita para sa May 29, 2014

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago ng 5.7% sa unang tatlong buwan

IBINALITA ni Socio-Economic Planning Secretary at NEDA Director-General Arseniio M. Balisacan na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng may 5.7% sa unang tatlong buwan ng 2014.

Sa isang press briefing, sinabi ni Kalihim Balisacan na nangyari ang paglagong ito kahit pa nadarama ang epekto ng serye ng mga trahedyang tumama sa Pilipinas sa huling tatlong buwan ng 2013.

Pumangatlo ang Pilipinas sa Asia. Nagkaroon ang Tsina ng 7.4% growth samantalang ang Malaysia ay nagkaroon naman ng 6.2%.

Inaasahan na ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya dahilan sa pinsalang tinamo sa production capacity ng Pilipinas. Sa larangan ng pagsasaka, ang pangmatagalang mga pananim tulad ng niyog ay lubhang napinsala kaya't bumaba rin ang food manufacturing output. Matamlay din ang tourism at insurance industries sa unang tatlong buwan ng 2014 dahilan na rin malagim na mga kalamidad.

Maliban sa mga trahedya, naging masinop din sa paggasta ang mga Filipino sa unang tatlong buwan ng 2014 upang maiwasan ang pagkakaroon ng tinaguriang "real estate bubbles." Apektado rin ang private construction sector.

Samantala, ang Information Technology-Business Process Management at ang export-oriented manufacturing ay nanatiling matatag. Sa pagkakaroon ng "post-disaster recovery at reconstruction efforts ang nagpasigla sa kalakal ng logistics, transport at social work.

Ayon kay Kalihim Balisacan, nagmula ang kaunlaran sa services (3.8) at industry (1.8 percentage points) sectors sa real Gross Domestic Product growth. Manufacturing sector ang nagtulak pata sa industry sector at sinundan ng mining at quarrying.

Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na hindi pa nakakabawi ang sektor ng pagsasaka. Ang iba pang subsectors ay 'di kinakitaan ng anumang pagsigla maliban sa sektor ng forestry samantalang nabawasan pa ang performance ng sektor ng fisheries.

Nagkaroon ng gross value added sa sektor ng komunikasyon, land transportation, storage and services at servies na kailangan sa transport sector.

Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na lumago ang private consumption (4.0 ppts), fixed capital formation (2.6 ppts) at net exports (1.8 ppts) ay nakadagdag sa kaunlaran.

Samantalang lumago ang public construction ng 22.3% dahilan sa mga proketo ng DPWH, DOTC, DOH at ARMM, nagkaroon naman ng 6.0% decline sa private construction sa pagkakaroon ng pagbaba sa mid-income housing, high rise residential at commercial condominium.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>