|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
New People's Army, tumangging may kinalaman sa pagpaslang sa isang punongbayan
TUMANGGI ang mga rebelde sa Mindanao na kabilang sa New People's Army na may kinalaman sila sa pagpaslang sa isang punongbayan kahapon.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ng Southern Mindanao Regional Operations Command na kinokondena nila ang pagpaslang kay Mayor Reynaldo Navarro. Nakiramay din sila sa pamilya ng napaslang at mga kasama sa Laak, Compostela Valley.
Samantalang kasama si Navarro sa kinikilalang Big 4 sa mga kagubatan ng Agusan, ComVal at Davao del Norte, hindi siya kinikilala ng NPA na kalaban na nararapat bigyan ng hatol na kamatayan. Kung susuriin umano ang track record ni Navarro, hindi siya magiging lehitimong target kaya't walang rebolusyunaryong parusa ang gagawin laban sa kanya.
Matagal na umanong nanungkulan sa politika sa mga pook na nasasakop ng People's Democratic Government sa Compostela Valley, nakipagtulungan si Navarro sa mga guerilya at kinakitaan ng pagsuporta sa layuning rebolusyunaryo.
Sa paglipas ng mga taon, ang kanyang kalakal sa pagkakahoy at agribusiness ay lumawak. Binalaan na siya ng mga guerilya na dumarami ang kanyang paglabag sa karapatan ng mga mamamayan. Hindi pinansin ni Navarro ang mga pasabi Pinayuhan na siya ng mga NPA sa ComVal-North Davao South Agusan Sub-regional Command na talikdan na ang walang pakundangang pagkakahoy. Nadagdagan din ang mga kawal ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan na naging dahilan ng mga paglabag sa karapatang pangtao.
Hindi pa umano hinog ang mga paglabag ni Navarro upang gawaran ng parusang kamatayan. Sa pag-aakusa sa NPA na nasa likod ng pananambang, pina-iinit lamang umano ng militar ang mga tagasunod ni Navarro na mga Lumad na naging mga bandido sa ilalim ng Oplan Bayanihan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |