Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batid na kung saang dibisyon matutungo ang mga usapin laban sa tatlong senador

(GMT+08:00) 2014-06-13 18:58:38       CRI

Batid na kung saang dibisyon matutungo ang mga usapin laban sa tatlong senador

NATAPOS na ang raffle sa Sandiganbayan kung saang dibisyon matutungo ang usaping plunder na inihain ng pamahalaan laban kina Senador Juan Ponce-Enrile, Jose "Jinggoy" Estrada at Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Ang Third Division ay binubuo nina Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang at Associate Justices Samuel Martires at Alex Quiroz bilang mga miyembro ang dirinig ng reklamo laban kay Senador Juan Ponce-Enrile.

Ang usapin laban kay Senador Jinggoy Estrada ay matutungo sa 5th Division na pinamumunuan ni Associate Justice Roland Jurado at kasamang si Associate Justices Alexander Gesmundo. May isang bakanteng luklukan sa 5th Division.

Mahaharap naman si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. sa 1st Division sa ilalim ni Associate Justice Efren dela Cruz at Associate Justices Rodolfo Ponferrada at Rafael Lagos bilang mga kasapi.

Pinag-isa na ang 45 plunder at graft charges laban sa kanila at mga kasamang akusado. Si Janet Lim-Napoles ay kabilang sa mga akusado sa kasong plunder. Kasama rin sa mga akusado ang mga pinagtitwalaang tauhan ng mga senador, mga opisyal ng mga ahensyang nagpatupad ng mga proyektong mula sa pork barrel at mga kasapi ng mga palsipikadong non-government organizations.

Ayon kay Associate Justice Oscar Herrera, chairman ng Raffle Committee, pinagsama-sama na nila ang mga usapin laban sa mga akusado.

Idinagdag pa ni Justice Herrera na apat na dibisyon lamang ang lumahok sa raffle sapagkat si Associate Justice Gregory Ong na namumuno sa 4th Division ay nagsabing hindi siya lalahok sa pork barrel scam case.

Isinangkot si Ong sa sinasabing pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles. Ayon kay whistleblower Marina Sula si Ong ay madalas dumalaw kay Napoles sa kanyang tanggapan sa Discovery Suites sa Ortigas Center, Pasig.

Matapos ang raffle kanina, ang mga record ng mga usapin ay ipadadala sa mga dibisyong dirinig ng reklamo. Bibigyan ang mga mahistrado ng sampung araw na alamin kung mas sapat na usapin upang maglabas ng warrant of arrest. Ang paglalabas ng arrest warrants ay maaaring humigit sa sampung araw ayon sa tagal ng pag-aaral ng mga mahistrado ng mga usapin.

Kinasuhan ng plunder ang tatlong senador kasama si Janet Lim Napoles sa paglahok sa paglustay ng Priority Development Assistance Fund na mula sa mga mambabatas.

May 16 na kaso laban kay Enrile, 12 laban kay Estrada at 17 laban kay Revilla. Nakarating umano ang mga pondo sa mga palsipikadong NGOs na itinatag ni Napoles. Kinasuhan din ng graft sa Sandiganbayan ang mga senador at si Napoles.

Ani 3rd Division Presiding Justice Tang, pinagsama-sama na ang mga usapin sapagkat mayroong koneksyon. Tumangging sumagot si Justice Tang sa kahilingan ng Ombudsman na magtatag ng isang special division para sa pork barrel scam cases sapagkat makabubuting maghintay na lamang ang madla ng kanilang tugon na isusumite nila sa Korte Suprema sa mga susunod na araw.

1 2 3 4 5 6 7 8
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>