Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2014 Shanghai International Film Festival

(GMT+08:00) 2014-06-24 10:15:53       CRI

Ang Shanghai International Film Festival (SIFF), ay itinatag noong 1993, ito ang nag-iisang A-category international film festival accredited by the FIAPF sa Tsina.

Sa opisyal na website ng SIFF, ito ay may 4 na pangunahing plataporma: Kumpetisyon, SIFF Mart, SIFF Forum at International Film Panorama. Hangad ng SIFF na ipakilala ang pag-unlad ng industriya at pagpapasigla ng kooperasyon sa buong mundo. Ang Competition section ay may Golden Goblet Award at Asian New Talent Award. At pawang mga bigating personalidad sa industriya ng pelikula ang inaanyayahan para maging bahagi ng jury panel.

Ang Golden Goblet Award ay patunay sa kredibilidad at impluwensiya ng SIFF. Ang jury ay binubuo ng pitong film celebrities mula sa iba't ibang panig ng mundo. Samantala ang Asian New Talent Award ay naglalayon makadiskubre ng mga bagong talento at hikayatin ang kanilang pagkamalikhain.

Noong 2013 umabot sa 1,655 na pelikula mula sa 112 bansa at rehiyon ang lumahok sa Golden Goblet Award, Asian New Talent Award at Film Panorama. Habang ang Mobile SIFF naman ay nakatanggap na ng 2,064 mga pelikula mula sa 104 na bansa.

Ang SIFF ngayong taon ay tatakbo mula ika 14-22 ng Hunyo. At napili bilang Puno ng Inampalan para sa 17th SIFF ay ang aktress na si Gong Li. Nitong nakaraang tatlong taon puro mga dayuhang direktor ang nangulo sa jury. Siya ang kauna-unahang babaeng President of the Jury na pipili sa mananalo ng Golden Goblet Award.

Matapos tanggapin ang karangalang ito sinabi ni Gong Li " Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng industriyang kultural ng paggawa ng pelikula, ginampanan ng SIFF ang mahalagang papel sa pagtatanghal ng kulturang Tsino. Ako ay lubos na nalulugod na maging Puno ng Inampalan at ikinagagalak kong makatrabaho ang mga magagaling na direktor mula sa ibat-ibang bansa at tumuklas ng natatanging bagong pelikula na may malalim na kahulugan para sa mga manonood." Isang multi-awarded actress si Gong Li at di rin matatawaran ang kanyang karanasan sa pagpili ng mga mananalo sa mga international film festivals. Naging bahagi siya ng mga sumusunod na pestibal ng pelikula: Jury Member sa 1997 Cannes Film Festival. Head of Jury sa 2000 Berlin International Film Festival, 2002 Venice International Film Festival at 2003 Tokyo International Film Festival.

Napili na ang 4 na pelikulang maglalaban-laban para sa Golden Goblet Award ng 17th SIFF. Ang mga ito ay Canopy, Eliza Graves, Point Blank at The Sacred Arrow.

Canopy, directed by Aaron Wilson, ay tungkol sa isang Australian air force pilot na napunta sa Singapore sa panahon ng pananakop ng Hapon noong 1942. Sa kagubatan ng Singapore nakatagpo siya ng isang madirigmang Tsino. Ang pelikula ay nagtuon sa karanasan ng dalawa noong panahon ng giyera.

Ang Eliza Graves naman ay hango sa The System of Doctor Tarr and Professor Fether na short story ni Edgar Allen Poe. Tungkol ito sa isang Harvard graduate na nagtratrabaho sa mental hospital kung saan nadiskubre niyang lahat ng mga doktor ay kontrolado ng mga baliw na mga pasyente ng hospital.

Ang Point Blank naman ay isang remake ng French movie na À Bout Portent. Isang mystery thriller sa pagitan ng isang pasyente, doktor at ang nakidnap na asawa nito.

Nagbabalik sa SIFF ang dating winner na si Director Pema Tseden at ang entry niya ay ang pelikulang The Sacred Arrow. Noong 2006 nanalo bilang New Talent Award for Best Director si Tseden para sa pelikulang The Silent Holy Stones. At noong 2009 nanalo siya ng Golden Goblet Jury Grand Prix para sa Soul Searching.

Ang The Sacared Arrow ay tungkol sa archery na may mahabang kasaysayan sa Tibet. Ang kwento ay tungkol sa tungalian, pagkakaibigan at samahan sa pagitan ng dalawang lalaking malalim ang kaalaman sa archery at ipinakita rin nito kung paano ipinapasa ng mga Tibetano ang kanilang kultura sa susunod na henerasyon.

Good luck sa lahat ng mga contenders at nawa'y maging matagumpay ang 17th Shanghai International Film Festival.

Si Gong Li

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
mac
v New Perfect Two 2014-06-11 17:43:52
v My Old Classmate 2014-06-03 16:29:48
v The White Storm 2014-05-27 10:12:55
v Ex-Files 2014-05-22 17:37:00
v Love You for Loving Me 2014-05-06 18:21:19
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>